Lunes, Hunyo 4, 2018


Nangiti ako at napailing ng mahanap ko sa google na may isa pa pala akong account sa mundo ng teknolohiya. Nangiti ako sa dahilang ang weird pala ng presentation ko sa uan kong sinulat tungkol sa blog na ito. Napailing ako kasi namiss ko yung ako. Yung naniniwalang marami pa akong makakain. Marami pang makakain yung utak ko. Sa ngayon, ang raming kinakain ng utak ko. Pakiramdam ko nga, gusto nang isuka ng utak ko. Pero kung iisipin naman pinangarap ko ito pero di ko lang akalain na ganito pala. Ganito karami, katagal at kahirap.

Minsan yung mga pinapangarap natin ang perpekto. Pero kapag nariyan na, maiisip natin na ang hirap pala abutin. Na binibigyan ka ng hagdan, ng bukas na pinto isama pa ang bintana para maabot iyon pero paghihirapan pa rin. Hindi, basta-basta na kapag andyan na yun na agad.

Na mapapaluhod ka na lang at hihingi ng lakas sa taas ng lakas. At masasambit mo na kung ito ay ayon sa Iyo, sige po. Tapos lalakas ka uli lalo na kung sumagot Sya ng, oo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento